Wednesday, September 23, 2009

Namolestya Ako!

Wala ako homophobia pero sa mga pinaggagagawa ng mga closet queens, baka magkaroon ako. Eh kasi ba naman nung huling umuwi ako sa probinsiya namin, nakapila ako habang naghihintay sa ferry ay may nagwalanghiya sa akin. Pila yun papasok sa ferry so habang naghihintay kami papasukin, nagbabasa ako ng diyaryo. Nagulat na lang ako ng mapansin ko na parang may kumakalabit sa harap ko. Abah, ang lintek na bading pala ang hayop na nasa harap ko. Pasimple pa na kunwari ay nakapatong yung kamay niya sa bag niya. Akala ko, yung bag lang niya ang sumasagi sa harap ko. Mabuti na lang at napansin ko kaagad kasi nga yung ulo ni manoy ang natamaan.

Nag-iinit na ulo ko gusto ko na umbagin yung walanghiyang bakla na yun. Pero para wala na away, lumipat na lang ako ng pwesto. Pero naisip ko pagdating ko sa bahay, 'langya nakaisa yun sa akin ah' Alam nyo ba yung feeling na na-violate? Nabastos ako! Ini-inom ko na lang para mawala inis ko.

Pero ang mga pangyayaring ganito ang dahilan kung bakit feeling ng mga bakla, nade-discriminate sila. Sa totoo lang, mga kasama naman nila ang mga gumagawa ng kabalbalan kaya sila iniiwasan at pinagtatawanan. Oo, mahuhusay nga ang mga bakla. Marami akong kaibigan aat ka-opisina na mga bading pero firm and proper naman sila. Kaso yung iba, sobrang pagkamanyak... tulad ng nakasabay ko sa ferry.

P.S.
Eto, kung babae yung kumalabit kay Manoy ko, malamang may paglalagyan yung babae na yun. Kesehodang dun sa ferry ko sya pag-piyestahan or kung kinakailangan, ipagpaliban ko yung pag-uwi ko sa probinsya, ok lang. Basta kapag may kumanti sa akin na babae na maganda (kahit hindi masyado, basta babae), makikita niya ang hinahanap niya.

Thursday, September 10, 2009

Tayong Dalawa - Audrey Divirginized

Nadale na rin ni Jay-Ar si Audrey. Malas na lang ni Dave. Kahit yata halik ay hindi man lang nakatikim. Ah... nakahalik naman pala dati. Nung mga unang episodes ng Tayong Dalawa. Pero nung mag-asawa na sila, halos nde makahawak di ba? hahaha. Isang malaking kabulastugan dahil si Dave ay isang 'mahilig'. Nadale nga niya si Greta eh.

Siyanga pala, patay na rin si Lola Getz. Hindi dahil sa cancer niya, ha. Dahil yun sa pagkabangga niya. Hindi ko na nasundan ulit dahil sa trabaho. Swerte na lang na natiyempuhan yung honeymoon nina Jay-Ar at Audrey.

Patapos na rin yata yung Tayong Dalawa ngayon biyernes. Ma-record nga. Ano kaya ang mangyayari. At least, matapos ang pinahabang teleserye na dapat ay noon pang Hunyo natapos, magwawakas din ito.

Friday, August 14, 2009

Unang Sabak

Matagal-tagal din bago na-approve itong name ng blag na ito. Medyo bastos daw, eh. Ewan ba. Siguro nga, may pagka bastos ang pangalan pero wala sa intensyon ko ang mag-post ng mga kabastusan. Well, at least hindi parati.

Puro mga walang kwentang bagay lang ang ipo-post ko dito. Ngayon lang ako magba-blog ng ingles. Hindi ako sanay pero mas mabuti na yan kasi naman nosebleed na ako kaka-ingles.